![]() |
| Aktuwal na pagsasanay ng mga mamamahayag ng Saringsing sa patnubay ng kanilang tagapayo na si Bb. Fatima Pierre M. Saberon. |
Sumailalim sa isang araw na pagsasanay ang mga mamamahayag ng Saringsing, ang unang opisyal na online publication ng Greendale Residences Integrated School (GRIS)-Junior High School (JHS). Ito ay ginanap hapon ng Marso 26, 2024 at umaga ng Marso 27, 2024.
Sa ginanap na pagsasanay ay natalakay ang mga paksa tungkol sa pagsulat ng balita, pangulong tudling o editoryal, lathalain, paglalarawang tudling o editorial cartooning, photojournalism, at online publishing. Ito ay pinangasiwaan ng tagapayo ng Saringsing na si Bb. Fatima Pierre M. Saberon na siya ring guro sa Filpino ng JHS.
Sa ngayon ay binubuo ng siyam na mamamahayag ang nasabing pahayagang pangkampus.
Narito ang iba pang kuhang larawan sa nasabing pagsasanay:
Para sa iba pang artikulo: https://saringsing24.blogspot.com/
Makipag-ugnayan sa amin. Bisitahin ang aming FB Page: https://web.facebook.com/Saringsing24









0 Mga Komento