AZURE SHARKS kinain ang GREEN VIPERS! Wagi sa Finals ng GRIS Basketball Tournament!

ni Suzie Mae A. Pontillas

Hindi lang basta nangagat ngunit nginuya ng Azure Sharks ang Green Vipers sa finals ng GRIS Basketball Tournament ngayong Linggo, Setyembre 15, 2024.

Sa iskor na 65, nilampaso ng Azure Sharks ang kabilang koponan na nakakuha ng 38 na iskor. Tila naging relax ang Green Vipers sa kanilang laro ngayon dahilan para maungusan sila ng Azure Sharks na gigil sa laro.

Mapapansin rin na ginawang adbentahe ng Azure Sharks ang tila kanya-kanyang paglalaro ng mga players mula sa Green Vipers.

Samantala, inaabangan ang mga mapipiling manlalaro na bubuo ng GRIS Basketball Team na magiging kinatawan ng paaralan para sa District Meet.


Para sa iba pang artikulo: https://saringsing24.blogspot.com/

Makipag-ugnayan sa amin. Bisitahin ang aming FB Page: https://web.facebook.com/Saringsing24