Sa itaas: opisyal na logo ng iba't ibang koponan mula sa Junior High School Department.

GRIS Intramurals, Umaarangkada Na!

ni Trisha Mae D. Espino 


Nagsimula nang umarangkada ang Intramurals 2024 sa Greendale Residences Integrated School (GRIS) sa pangunguna ni Bb. Kimberly Claire C. Amascual, koordineytor sa Isports o Pampalakasan ng nasabing paaralan. 

GRIS Sports Club | Facebook


Opisyal na ipinakilala ang iba't ibang ngalan at logo ng bawat koponan nitong nakaraang Linggo, Setyembre 8, 2024 na ipinaskil sa Facebook Page ng GRIS Sports Club. Ang Baitang 7 ay ang White Orca, ang Baitang 8 naman ay ang Green Vipers, Azure Sharks ang tawag sa Baitang 9, at Blue Panthers naman ang Baitang 10.

Ang ilan sa mga patimpalak sa pampalakasan ay nagsimula na. 
    
Ang Badminton, nitong nakaraang Setyembre 4, 2024 ay sinimulan na. Maging ang larong Basketball ay ginanap ang semi-finals nitong nakaraang Linggo, Setyembre 8, 2024.

Si Ken (kanan) ng Azure Sharks dumedepensa laban kay Lyniel (kaliwa) ng Blue Panthers.
Photo courtesy: Gng. Ruby Rose Ann B. Panganod-Araba

Samantala, mapapansin na patuloy ang pag-eensayo ng iba't ibang koponan para sa iba't ibang patimpalak, mapa-isports man o hindi.

Opisyal na bubuksan ang nasabing programa sa darating na Setyembre 26, 2024.


Para sa iba pang balita: https://saringsing24.blogspot.com/

Makipag-ugnayan sa amin. Bisitahin ang aming FB Page: https://web.facebook.com/Saringsing24