GRIS Intramurals 2024, Opisyal Nang Nagsimula!


Opisyal nang nagsimula kahapon, Setyembre 27, 2024, ang GRIS Intramurals 2024!

Nagsimula ang aktibidad sa pamamagitan ng isang makulay na parada. Ang bawat antas ay may kani-kaniyang pangalan bilang isang koponan at kulay na sumisimbolo sa kanila.



Ang Red Panda ay ang Kindergarten, Amethyst Starling ang Grade 1, Orange Fox ang Grade 2, Pink Flamingos ang Grade 3, Peach Vixens ang Grade 4, Yellow Tigers ang Grade 5, Gray Wolves ang Grade 6, White Orca ang Grade 7, Green Vipers ang Grade 8, Azure Sharks ang Grade 9, at Blue Panthers ang Garde 10.

Photo credits: Mrs. Michelle E. Ocenar
Ang Lighting of Torch ay pinangunahan ni Trisha Mae D. Espino bilang Athlete of the Year.

Ang GRIS Intramurals 2024 ay nagpapatuloy hanggang sa araw na ito, Setyembre 28, 2024. Ilan sa mga aktibidad na ito ay ang pagpapatuloy ng Athletics, Sepak Takraw, Laro ng Lahi at sa hapon naman ay ang pinakahihintay na Mr. and Ms. Intramurals 2024. 


Para sa iba pang artikulo: https://saringsing24.blogspot.com/

Makipag-ugnayan sa amin. Bisitahin ang aming FB Page: https://web.facebook.com/Saringsing24