GRIS, Nakiisa sa Pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa

ni Trisha Mae D. Espino

    Sa pangunguna ni Gng. Fatima Pierre S. Floretes, koordineytor sa Filipino ng Junior High School Department na siya ring guro sa Filipino sa nasabing departamento, matagumpay  na naisagawa ang ibat ibang aktibidad ng Buwan ng Wikang Pambansa na may temang "Filipino: Wikang Mapagpalaya", sa Greendale Residences Integrated School (GRIS), buwan ng Agosto, taong kasalukuyan.
 
    Ang Buwan ng Wikang Pambansa ay taunang ipinagdiriwang sa buong buwan ng Agosto at bilang pakiisa sa pagdiriwang na ito ay nagsagawa ng iba't ibang aktibidad sa pahintulot ng punong-guro ng GRIS na si Sir Raul S. Hilvano. Ang mga aprubadong gawain na naging daan sa pagpapakitang-gilas ng mga mag-aaral ay ang Tagisan ng Talino, Biglaang Talumpati, at Spoken Poetry.

    Sa patimpalak na Tagisan ng Talino, nangibabaw ang angking talino ni Chloe Angeli Bagaindoc ng Baitang 9-Gold. Siya ang nagkamit ang Unang Gantimpala sa naturang patimpalak. Sa Biglaang Talumpati naman, nanguna ang mag-aaral mula sa Baitang 8-Air na si Hanna Yuri D. Simacio. Sa kabilang banda, hindi nagpatinag ang Baitang 10-Gold nang masungkit ni Maria Cristina L. Orosa ang Unang Gantimpala para sa Patimpalak sa Spoken Poetry.

    Samantala, ngayong Setyembre naman ay ang buwan ng Agham at Teknolohiya na pangungunahan naman ni Bb. Erica Jean P. Rosada, koordineytor at guro sa Agham ng JHS Department. Inaasahan ang  aktibong paglahok ng mga mag-aaral ng mula sa iba't ibang antas at pangkat ng naturang department.


Para sa iba pang artikulo: https://saringsing24.blogspot.com/

Makipag-ugnayan sa amin. Bisitahin ang aming FB Page: https://web.facebook.com/Saringsing24