Orange Fox, Gray Wolves, Azure Sharks, Mga Kampeon ng GRIS Intramurals 2024!
Sa katatapos lamang na GRIS Intramurals 2024, kinilala ang mga koponan na nanaig at nakuha ang kampeonato para sa taon na ito.
Itinanghal na kampeon ng GRIS Intramurals 2024 para sa Junior High School Category ang Azure Sharks. Pumangalawa ang Green Vipers, pangatlo ang Blue Panthers, at pang-apat ang White Orca.
Para sa Intermediate Category, nasungkit ng Gray Wolves ang kampeonato. Pumangalawa ang Peach Vixens, pangatlo ang Yellow Tigers na sinundan naman ng Pink Flamingos.
Sa kabilang banda, itinanghal na kampeon sa Primary Category ang Orange Fox, pumangalawa ang Amethyst Starling na sinundan ng Red Pandas.
Ang GRIS Intramurals ay taunang aktibidad na isinasagawa ng Greendale Residences Integrated School tulad ng ibang paaralan. Sa ngayon, inaabangan naman ang mga magiging kinatawan ng paaralan para sa District Meet na gaganapin ngayong unang linggo ng Oktubre.
Para sa iba pang artikulo: https://saringsing24.blogspot.com/
Makipag-ugnayan sa amin. Bisitahin ang aming FB Page: https://web.facebook.com/Saringsing24
0 Mga Komento