Panunumpa sa Katungkulan ng mga bagong halal na opisyal ng GRIS School Parent-Teachers Association (SPTA) sa pangunguna ni Hon. Aimee Grafil, konsehal ng syudad ng Tacloban.
larawang kuha ni: Gng. Floretes

Bagong halal na mga lider, nanumpa sa GRIS! 

Balita ni Hazel Ann C. Raya

Tacloban City, Agosto 30, 2024 – Matagumpay na naisagawa ang panunumpa sa katungkulan ng mga bagong halal na opisyal ng iba't ibang organisasyon o klab ng Greendale Residences Integrated School (GRIS) nitong nakaraang Biyernes, ika-30 ng Agosto, 2024. Ito ay sa pangunguna ng punong-guro ng GRIS na si Sir Raul S. Hilvano, kaagapay ang GRIS School Parent-Teachers Association (SPTA), at ng mga guro. 

"Tayo'y isang Pilipino at iisa ang ating salita." - G. Hilvano

Sa kanyang talumpati, binigyang-diin ni G. Hilvano ang kahalagahan ng pagkakaisa sa kabila ng pagkakaroon ng iba't ibang diyalekto na akma sa selebrasyon ng Buwan ng Wikang Pambansa na isa rin sa mga ipinagdiriwang sa buwan na iyon. 

Panunumpa sa katungkulan ng mga mag-aaral ng iba't ibang organisasyon sa pangunguna ni G. Hilvano.

Panunumpa sa katungkulan ng HRPTA ng iba't ibang antas sa pangunguna ni Hon. Bahin.

Panunumpa sa katungkulan ng SPTA sa pangunguna ni Hon. Grafil.

Ang gawaing ito ay dinaluhan ng dalawang konsehal ng syudad ng Tacloban na sina Hon. Leo Bahin at Hon. Aimee Grafil na siya ring mga panauhin sa nasabing aktibidad. 

Pinangunahan ni G. Hilvano ang panunumpa ng katungkulan ng mga mag-aaral sa kani-kaniyang organisasyon, si Hon. Bahin naman para sa Homeroom Parent-Teachers Association (HRPTA) ng iba't ibang antas, samantala si Hon. Grafil naman ang siyang nagpasinaya sa panunumpa ng mga bagong halal na opisyal ng SPTA.

Ang gawaing ito ay dinaluhan ng mga guro at mga bagong halal na opisyales ng iba't ibang klab ng GRIS.


Para sa iba pang artikulo: https://saringsing24.blogspot.com/

Makipag-ugnayan sa amin. Bisitahin ang aming FB Page: https://web.facebook.com/Saringsing24