Mr. & Ms. Intramurals 2024, Kinilala!
Sa katatapos lamang na GRIS Intramurals 2024, kinilala ang mga nagwagi at nag-uwi ng karangalan bilang Mr. and Ms. Intramurals 2024.
Itinanghal na Mr. Intramurals 2024 para sa Junior High School category si John Paul Vibandor ng Blue Panthers. Nasungkit din niya ang ilan sa mga minor awards tulad ng Best in Sports Attire, Best in Creative Jeans, Most Photogenic, Darling of the Netizens, Mr. EcoModelo 2024, at People's Choice Award.
Inuwi naman ni Glaiza Marie D. Alforte ng Azure Sharks ang karangalan nang siya ay tanghalin bilang Ms. Intramurals 2024 para pa rin sa Junior High School category. Nakuha rin niya ang ilan sa mga minor awards gaya ng Best in Sports Attire, People's Choice Award, Best in Creative Jeans, Best in Production Number, Ms. EcoModelo 2024.
Samantala, ang itinanghal na First Runner-Up ay sina Ronald Josh A. Sampaga ng Green Vipers at Kira Nythley Mabuhag ng White Orca. Second Runner-Up naman sina Alen L. Dador ng White Orca at Jainaber Lyan L. Anota ng Blue Panthers. Itinanghal naman na Third Runner-Up sina Randy B. Amande, Jr. ng Azure Sharks at Hanna Yuri D. Simacio ng Green Vipers.
Ang Mr. and Ms. Intramurals 2024 ay isa sa mga patimpalak ng GRIS Intramurals 2024.
Para sa iba pang artikulo: https://saringsing24.blogspot.com/
Makipag-ugnayan sa amin. Bisitahin ang aming FB Page: https://web.facebook.com/Saringsing24
0 Mga Komento