Isang Uri ng Unggoy, Posibleng Makapagsalita?
ni Charles Brent Camacho
Ang mamorset monkey ay gumagamit ng isang bokal na tinatawag na phee-calls para makipag- usap sa kanilang kapwa unggoy.
Isang grupo ng mga mananaliksik mula sa Herbrew University ang nakadiskubre na ang isang uri ng unggoy na tinatawag na mamorset ay gumagamit ng isang bokal na phee-calls. Ang bokal na ito ay ang kanilang paraan para makipag-usap sa kanilang mga kapwa unggoy. Ang abilidad nilang ito ay itinuturing na advance na kasanayan at noon, ito ay kasanayan ng mga tao, dolphin, at mga elepante lamang.
Para mas malaman ito, ang mga mananaliksik na pinamumunuan ni Guy Oren, isang graduate na estudyante, ay nagrecord ng dalawang mamorset na nag-uusap at pati na rin ang kanilang pakikipag-ugnayan sa sistema ng computer. Habang isinasagawa ang pag-aaral, nadiskubre nila na ang mamorset monkey ay tumpak ang pagtugon sa kanilang kausap.
Ang mga mamorset ay naninirahan sa isang maliit na monoganous groups at ang kanilang pag-aalaga sa kanilang mga anak ay parang tao. Ayon kay Dr. David Omer, mula sa Safra Center for Brain Sciences (ELSC), ang mamorset ay hindi lang gumagamit ng bokal na ito para sa sariling lokalisasyon kundi ay bilang pagtugon sa tiyak na indibidwal.
Ang pag-aaral na ito ay nagbukas ng daan para malaman natin kung paano marahil umunlad ang pagsasalita ng mga tao at kung ano ang matututuhan mula sa mga unggoy na ito. Ang pananaliksik na ito ay nagpapatunay na ang mamorset ay nakabuo ng komplikadong mekanismo sa utak na maaaring maihahalintulad sa mga tao.
Sanggunian:
Herbrew University of Jerusalem (2024, Setyembre 9). Breaking Cognitive Boundaries: Groundbreaking Study Finds Monkeys Use “Names” To Communicate. SciTech Daily. https://scitechdaily.com/breaking-cognitive-boundaries-groundbreaking-study-finds-monkeys-use-names-to-communicate/
Para sa iba pang artikulo: https://saringsing24.blogspot.com/
Makipag-ugnayan sa amin. Bisitahin ang aming FB Page: https://web.facebook.com/Saringsing24
0 Mga Komento