Blue Panthers, Green Vipers, White Orca, Nanguna sa Athletics!

ni Aira Nicole Eval

Nanguna ang Blue Panthers, Green Vipers, at White Orca sa Athletics na ginanap kahapon, Setyembre 27, 2024, sa Greendale Residences.

Nanaig ang liksi ng Blue Panthers sa 100 meter dash race (boys) at 200 meter dash race (boys) sa katauhan ni Jericho L. Dacles. Tinalo niya ang kinatawan ng iba't ibang koponan mula sa White Orca, Green Vipers, at Azure Sharks.

Samantala, nanguna sa 100 meter dash race ang makamandag na Green Vipers sa katauhan ni Romena Macabare. Sa kabilang banda, hindi naman nagpatinag ang bilis ng White Orca na siyang nanguna sa 200 meter dash race, ang inyo pong lingkod ang naging kinatawan, Aira Nicole Eval.

Ang Athletics ay isa sa mga isports o pampalakasan na isinagawa sa taunang GRIS Intramurals. 

Para sa iba pang artikulo: https://saringsing24.blogspot.com/

Makipag-ugnayan sa amin. Bisitahin ang aming FB Page: https://web.facebook.com/Saringsing24