Punong Patnugot

Hazel Ann C. Raya

Bilang Punong Patnugot, responsibilidad kong pangunahan ang aming samahan, di lamang sa pagsusulat ng mga artikulo ngunit maging sa mga aktibidad o gawain ng aming organisasyon. Tungkulin ko rin ang magplano, mag-ugnay, at magrebisa ng mga artikulo o akda para sa paglalathala. Layunin kong masigurado na kami ay makapagbibigay ng agaran at malinaw na kaganapan o pangyayari sa ating paligid, sa paaralan man o sa buong bansa.


Ikalawang Punong Patnugot

Shantal Fay C. Lasagas

Bilang Ikalawang Punong Patnugot, tungkulin kong maging kasangga ng Punong Patnugot sa pangangasiwa ng organisasyon. Tumutulong ako sa pamamatnugot ng mga gawain, kasama nito ang pagpaplano, at pagwawasto ng mga artikulo para sa aming publikasyon. Tungkulin ko ring maging boses upang ipaabot sa aming mga mambabasa ang mga laganap na mga isyu at balitang kailangang bigyang-pansin.


Tagapamahalang Patnugot

Trisha Mae D. Espino

Bilang Tagapamahalang Patnugot, responsibilidad kong siguraduhin na ang bawat miyembro ng aming organisasyon ay dumadalo sa mga pagpupulong. Tungkulin ko ring tandaan at gumawa ng ulat ng mga napag-usapan ng aming samahan.. Liban dito ay tungkulin ko ring gawan ng mga kinakailangang pagbabago ang mga artikulong isinulat ng aking mga kapwa mamamahayag nang sa gayon ay maging malugod ito sa mga mambabasa.


Patnugot sa Balita

Francheska Alexandra G. Granados

Bilang patnugot sa Balita, responsibilidad kong pangasiwaan ang aking departamento na siyang gumagawa ng mga artikulo ukol sa mga pangyayaring kailangang malaman ng mga mag-aaral ng Greendale Residences Integrated School - Junior High School. Bago dumating sa iba pang mga miyembro ng Patnugutan ang ginawang mga balita ng aking mga kasapi, akin muna itong binabasa at ginagawan ng mga kinakailangang pagbabago.


Patnugot sa Lathalain

Suzie Mae A. Pontillas

Bilang patnugot sa Lathalain, ako ang pinuno ng aming departamento at siyang nangongolekta ng mga akda at gumagawa ng mga pagsasaayos o pagbabago sa artikulo ng aking mga kasapi.





Patnugot sa Pangulong Tudling at Opinyon

Ma. Kaylee A. Dador

Bilang patnugot sa Pangulong Tudling at Opinyon, gawain ko ang paggabay sa mga kasapi ng aking departamento sa pagsusulat ng mga artikulo at ang pag-ulat sa aming Punong Patnugot ukol sa aming mga gawain sa aming mga departamento.






Patnugot sa Agham at Teknolohiya

Charles Brent Camacho

Maliban pa sa pagsusulat ng mga artikulo, bilang patnugot sa Agham at Teknolohiya, tungkulin kong magkaroon ng kaalaman tungkol sa mga panibagong tuklas sa ating mundo, higit lalo na sa ating bansa. Sa tulong ng aming mga artikulo, maipapaalam ko ang mga ito sa aming mga mambabasa.



Patnugot sa Isports

Rylle A. Emberso

Bilang patnugot sa Isports, tungkulin kong manguna sa pagsusulat ng mga artikulong may kinalaman sa mga mag-aaral na atleta at mga pangyayaring may kinalaman sa larangan ng pampalakasan ng Greendale Residences Integrated School-Junior High School. Sa aming departamento, maipakikita ang pagpapahalaga at pagsuporta ng paaralan, di lamang sa mga gawaing tulad ng intrumurals ngunit pati na rin sa paglahok ng mga estudyanteng manlalaro ng GRIS sa iba pang paligsahan sa pampalakasan, maging sa paaralan man o labas nito.

Patnugot sa Larawan

Kathleene May P. Brazil

Ang aking tungkulin bilang patnugot sa Larawan ay mangalap ng mga larawang nakatakdang ilagay sa mga artikulo ng An Saringsing. Ako rin ang gumagawa ng mga pamagat ng mga nasabing litrato.




Patnugot sa Pag-aanyo at Disenyo

Ronald Sampaga

Ako ang patnugot ng Pag-aanyo at Sining. Tungkulin kong pamahalaan ang mga nabanggit na mga departamento. Kasabay nito, gawain ko ring bigyang-buhay ang mga artikulo sa pamamagitan ng mga guhit at disenyo. Sa tulong ng aking masipag na miyembro, nabibigyang-buhay namin sa pamamagitan ng sining ang pook-sapot na ito.


Patnugot sa Panitikan

John Travies B. Oñate

Bilang patnugot ng departamento ng Panitikan, pinamamahalaan ko ang mga akdang pampanitikan ng organisasyon, tulad na lamang ng tula, maikling kuwento, at iba pa. Sa larangang ito, naipahahayag gunam-gunam na lumalaro sa aming mga isipan, mapakathang-isip o makatotohanan. 


Sirkulasyon at Web

Mocha G. Bautista

Bilang patnugot ng Sirkulasyon, ang karaniwang ginagawa ko ay ang pagsisiguro na ang bawat mag-aaral sa aming departamento ay may sipi ng aming mga inililimbag. Bilang ang aming publikasyon ay online, ako rin ang tagapamahala ng aming mga social media accounts, tagapaskil ng aming mga akda, at ang inatasang mas paunlarin ang aming mga inilikha. Tungkulin kong siguraduhing lahat ng aming talento at imahinasyon ay mababasa at madarama ng madla.


Tagapayo

Gng. Fatima Pierre S. Floretes