Daigdig, ๐Œ๐š๐ ๐ค๐š๐ค๐š๐ซ๐จ๐จ๐ง ๐ง๐  ๐๐š๐ง๐ฌ๐š๐ฆ๐š๐ง๐ญ๐š๐ฅ๐š๐ง๐  Ikalawang B๐ฎ๐ฐ๐š๐ง

ni Charles Brent Camacho
Ang 2024 PT5 ay isang asteroid na nadiskubre ng National Aeronautics and Space Administration o NASA noong ika-7 ng Agosto at nagmula ito sa Arjuna asteroid belt.

Ang asteroid na ito ay nagsimula nang umikot sa mundo noong Setyembre 29, 2024 at iikot ito hanggang Nobyembre 25, 2024. Kahit asteroid ito, itinuturing pa rin itong "mini moon" ng mga researchers.

Ayon sa nailimbag na pananaliksik nila Carlos de la Fuente Marcos at Raรบl de la Fuente Marcos, maaari pang magkaroon ng higit pa sa isang asteroid ang daigdig hangga't ang mga ito ay malapit sa atin.

Sa kasamaang palad, hindi ito makikita gamit ang mga mata lamang. Sa laki nitong 10 meters, makikita ito gamit lamang ang telescope.
Pagkatapos nitong umikot sa mundo ay babalik na ito sa Arjuna asteroid belt kung saan ito nagmula. Ang NASA ay mayroong program na nakapokus sa pagsubaybay ng lokasyon ng milyon-milyong mga asteroid at nagsasabi rin ng mga data para sa bawat NEO tulad ng orbital parameter at close approach summaries.
Ayon sa NASA, ang NEO ay kung anumang nasa kalawakan, asteroid o kung ano mang nagagalaw ng mga gravitational pull ng mga planeta at natutulak papalapit sa daigdig.
Ayon sa kanilang pananaliksik, mayroong mga klase ng "mini moons". Una ay ang "temporary captured orbiters", itong klase ng mini moon ay kayang umabot ng ilang buwan o araw! Ang asteroid na iikot sa atin ay ang "temporary captured flybys" itong uri ng mini moon naman ay hindi lang nagtatagal.
Kamangha-mangha kung paano ka-sopistikado ang daigdig, hindi ba? Kung hindi sa mga siyentista at mga mananaliksik ay hindi natin ito malalaman. Salamat sa kanila at sa kanilang mga patuloy na natutuklasan.

Sanggunian:
Rebecca Schneid (2024, Setyembre 18). Earth Is Temporarily Getting A Second 'Moon'. TIME. https://time.com/7022535/earth-second-moon-temporary/
Para sa iba pang artikulo: https://saringsing24.blogspot.com/

Makipag-ugnayan sa amin. Bisitahin ang aming FB Page: https://web.facebook.com/Saringsing24