Privacy sa Digital Age: Punto De Vista

Suzie Mae A. Pontillas

Ang bawat tao ay may karapatan sa privacy, at ang karapatang ito ay hindi dapat labagin. Ang pagkuha ng lawaran ng isang tao nang walang pahintulot ay isang paglabag sa kanilang karapatan. Ang isyu na ito ay mahalaga at dapat seryosohin.

Privacy o pansariling impormasyon, marahil ay napakinggan niyo na ang mga salitang ito. Ito pa ba ay napahahalagahan o iginagalang sa panahon ng makabagong teknolohiya?

Buwan ng Mayo, taong kasalukuyan, ay naglabas ng Regional Memorandum ang Kagawaran ng Edukasyon (DepEd), Rehiyon 8, na pinamagatang "Guidance on Posting Learner's Images or Data on Social Media" ito ay nagbibigay-diin na maprotektahan ang privacy ng mga mag-aaral sa panahon ng digital.

Ang nasabing memorandum ay alinsunod din sa Republic Act No. 10173 o Data Privacy Act of 2012 na sumasaklaw sa anumang may kaugnayan sa personal na datos maging digital man. Ang paglabag sa batas na ito ay maaring magresulta sa mga parusang kabilang ang pagkabilanggo at multa.

Sa panahon ngayon, madali nang makakuha ng larawan ng sinuman dahil sa paglaganap ng mga smartphones at social media. Mayroong ding iba na kumukuha na lamang ng larawan nang walang pahintulot. 

Para sa akin, ang pagpayag kong magpakuha ng larawan ay nakabatay sa paraan ng paghingi at layunin nito. Ang pahintulot ay hindi lamang basta "oo" o "hindi," kundi isang paraan upang ipakita ang respeto sa aking pansariling impormasyon. Kung ang layunin ay maganda at may paggalang, maaaring pag-isipan kong pumayag.

Sa kabuuan, mahalaga para sa akin na igalang ang aking desisyon maging ang nararapat na espasyo.

Ikaw? Ano ang iyong komento tungkol dito?

Sanggunian:
National Privacy Commission. REPUBLIC ACT 10173 DATA PRIVACY ACT OF 2012. https://privacy.gov.ph/data-privacy-act/
Department of Information and Communications Technology (2023, May 11) Republic Act No. 10173 - | DICT. https://privacy.gov.ph/data-privacy-act/
Gerald Christopher Villegas (2024, May 30). May 27, 2024 RM 604, s. 2024-Guidance on Posting Learners' Images and Data Posting on Social Media. REPUBLIC OF THE PHILIPPINES DEPARTMENT OF EDUCATION REGION 8 EASTERN VISAYAS. https://region8.deped.gov.ph/2024/05/30/may-27-2024-rm-604-s-2024-guidance-on-posting-learners-images-or-data-postings-on-social-media/

Para sa iba pang artikulo: https://saringsing24.blogspot.com/

Makipag-ugnayan sa amin. Bisitahin ang aming FB Page: https://web.facebook.com/Saringsing24