Meta AI: Adbentahe at Disadbentahe Nito sa mga Mag-aaral
Joy Angelie A. Mandal
Ang Meta (Artificial Intelligence) AI ay ginawa ng Meta na siyang may-ari ng Facebook, Instagram, at iba pang kilalang social media platforms. Ang Pilipinas ay isa sa mga nakagagamit nito sa kasalukuyan. Makikita ito sa facebook messenger at maaaring ma-access kahit na anong oras at libre pa dahilan para mauso ito ngayon.
Nakatutulong ngunit nagiging dahilan ng pagiging tamad at hindi pagiging mapanuri ang mga artificial intelligence tulad ng Meta AI.
Nakatutulong ito sa pagdagdag ng kaalaman at napadadali nito ang pagkuha ng kinakailangang impormasyon. Hindi na rin malulungkot ang mga tao kapag wala silang kausap sa chat dahil palaging online si Meta AI at dahil sa ito'y teknolohiya, hindi ito mapapagod sa pagreply o pagsagot sayo. Idagdag pa na libre ito.
Sa kabila ng mga adbentahe nito, mayroon din itong mga hindi magandang naidudulot. Isa sa mga disadbantahe nito ang pagiging dependent ng mga mag-aaral. Dahil sa umaasa na lamang sa teknolohiya, ito ay nagiging dahilan ng pagiging tamad, kawalan ng kasanayan sa pag-iisip o hindi pagiging mapanuri, at pandaraya.
Nakatutulong ang mga artificial intellegence ngunit maaari rin itong magdulot ng hindi maganda. Nasa tao na lamang kung paano niyo ito gagamitin. Ikaw, ano sa tingin mo?
Para sa iba pang artikulo: https://saringsing24.blogspot.com/
Makipag-ugnayan sa amin. Bisitahin ang aming FB Page: https://web.facebook.com/Saringsing24

0 Mga Komento