GRIS, Itinanghal na 1st Runner-Up sa District Meet 2024!

Balita 

Sa katatapos lamang na District Meet 2024 ng District Learning Center II (DLCII), nag-uwi ng tropeo at karangalan ang Greendale Residences Integrated School (GRIS) nang tanghalin bilang First Runner-Up.

Ang Kapuso Village Integrated School (KVIS) naman ang nag-uwi ng tropeo at karangalan bilang Second Runner-Up. Nasungkit naman ng Guadalupe Heights Integrated School (GHIS) ang inaasam-asam na tropeo at karangalan bilang Kampeon sa taong ito.

Ang District Meet 2024 ay sinimulan kahapon, Oktubre 4, at nagtapos ngayong araw, Oktubre 5, 2024.


source: Ma'am Roxanne A. Fabillar


Para sa iba pang artikulo: https://saringsing24.blogspot.com/

Makipag-ugnayan sa amin. Bisitahin ang aming FB Page: https://web.facebook.com/Saringsing24