Mga Greendalyan, Nagpakitang-gilas sa Unang Araw ng District Meet 2024!

Mga Greendalyan, Nagpakitang-gilas sa Unang Araw ng District Meet 2024!

ni Hazel Ann C. Raya

Sa opisyal na pagsisimula ng District Meet 2024 sa Tigbao-Diit Central School ngayong ika-4 ng Oktubre, 2024, nagtipon ang mga manlalaro mula sa iba't ibang paaralan upang ipakita ang kanilang husay sa iba't ibang larangan ng palakasan kaagapay ng kanilang mga coaches.

Ang iba't ibang koponan na magpapakitang-gilas sa District Meet 2024.
Larawang kuha ni: Ma'am Fatima Pierre S. Floretes

Sa unang araw ng District Meet, ang Greendale Residences Integrated School (GRIS) ay nagpakitang-gilas sa mga kategoryang kanilang sinalihan.

Nakamit ng GRIS ang unang puwesto sa Javelin Throw para sa Elementary Girls at JHS Boys, na nagbibigay ng karangalan sa paaralan. Sa Chess Tournament para sa City Meet, si Elanie Joy C. Ay-ay ay nakamit ang ikalawang puwesto para sa JHS Girls. Si Harvey Jan C. Balasanos naman ay nagtapos sa ikatlong puwesto para sa JHS Boys.
Bukod dito, ang GRIS ay nakakuha ng 2nd Place sa Triple Jump at Long Jump para sa Secondary Boys, 2nd Place sa Javelin para sa Secondary Girls, at 2nd Place sa JHS Volleyball Girls. Ang Elementary at JHS Dancesports ay nagwagi by default.

GRIS vs KVIS
Larawang kuha ni: Abegail B. Berdan

Sa kabilang banda, nasungkit ng GRIS Sepak Takraw ang kampeonato.
Samantala, ang mga laro sa volleyball at basketball ay ipagpapatuloy bukas, Oktubre 5, kung saan inaasahan ang matinding kompetisyon mula sa mga atleta ng GRIS at ibang paaralan. Ang mga manlalaro ay patuloy na naghahanda at nagsasanay upang makamit ang tagumpay at karangalan para sa kani-kanilang paaralan.
Ang District Meet ay magtatapos bukas, ika-5 ng Oktubre, 2024.

Para sa iba pang artikulo: https://saringsing24.blogspot.com/

Makipag-ugnayan sa amin. Bisitahin ang aming FB Page: https://web.facebook.com/Saringsing24  

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento