Pagpupugay sa mga Guro
ni Mocha G. Bautista
Teacher! Sir! Ma'am! Kalimitang tawag sa kanila.
Guro, Maestra, Maestro, sila ang sandigan ng kabataan ngayon.
Ang mga guro ay dapat na igalang at nararapat maging mabuti sa kanila tulad ng pagiging mabuti nila sa kanilang mga mag-aaral.
Sila ang nagbibigay ng pundasyon para sa isang mas maunlad na lipunan at ang nagtuturo sa susunod na salinlahi ng mga lider, mga propesyonal, at mga mamamayan.
Sa kanilang dedikasyon, nagiging posible ang pag-unlad at pagbabago. Sila ang mga tagapagturo ng mga halaga, ang mga tagapangalaga ng disiplina, at ang mga tagapag-udyok ng pag-iisip,
Mahirapan ka man sa kanilang mga aralin, asahan na sila ay gagabay din. Simula pagkabata sila ang natuturo hanggang sa makapagtapos ng pag-aaral. Ang mga guro ay mahalaga sa lipunan at sila ay bayani ng bayan.
Kaya't sa araw ng mga guro, bigyan natin ng parangal sina Maestro at Maestra. Ang lipunan ay nagpupugay at nagbibigay pasalamat sa inyong natatanging dedikasyon, mahabang pasensya, at pagmamahal 'di lamang sa inyong napiling larangan ngunit sa mga mag-aaral na kung ituring ay mga anak.
Dahil sa inyo, mga Guro, magiging mahusay ang ating kinabukasan.
Para sa iba pang artikulo: https://saringsing24.blogspot.com/
Makipag-ugnayan sa amin. Bisitahin ang aming FB Page: https://web.facebook.com/Saringsing24
0 Mga Komento