GRIS Sepak Takraw, Namayagpag District Meet 2024!
ni Hazel Ann C. Raya
Namayagpag ang Junior High School Sepak Takraw team ng Greendale Residences Integrated School (GRIS) sa District Meet 2024 na ginanap ngayong umaga sa GRIS, ika-4 ng Oktubre, 2024 matapos talunin ang katunggaling Kapuso Village Integrated School (KVIS) sa dalawang magkasunod na laro.
Ang unang laban ay pinangunahan nina Courtney Clyde Gamalo, Rinzel Malate, at Laurence Corre mula sa GRIS Sepak Takraw (JHS). Mabilis na nilang nakuha ang unang set sa iskor na 17-5, pabor sa GRIS. Hindi rin nagpahuli sa ikalawang set ang mga manlalaro nila. Tinapos ang laro sa score na 21-12, tuluyang nagtala ng tagumpay laban sa KVIS Sepak Takraw (JHS).
![]() |
| Larawang kuha ni: Abegail B. Berdan |
Sa ikalawang laro, nagpakitang-gilas sina John Travies Oñate, Randy Amande, Jr., at Angelo Navidad mula pa rin sa GRIS team. Sa unang set, nasungkit nila ang panalo sa score na 20-14. Sa ikalawang set, lalo pang pinatibay nila ang kanilang laro. Nagtapos sa 20-10, at muling namayagpag.
![]() |
| Larawang kuha ni: Abegail B. Berdan |
![]() |
| Larawang kuha ni: Abegail B. Berdan |
Sa dalawang larong ito, ipinakita ng GRIS ang kanilang husay at determinasyon, dahilan upang makuha ang karangalan para sa kanilang paaralan ngayong District Meet 2024. Sa mahusay na pamumuno nina Coach Roxanne A. Fabillar at Assistant Coach Marleth D. Balunan, kaagapay ang walang sawang suporta ng mga magulang tulad ni Sir Jason Jabien, inaasahang magpapatuloy ang kanilang tagumpay sa mga susunod na kompetisyon.
Para sa iba pang artikulo: https://saringsing24.blogspot.com/
Makipag-ugnayan sa amin. Bisitahin ang aming FB Page: https://web.facebook.com/Saringsing24



0 Mga Komento