Greendalyan, Nasungkit ang Ikatlong Pwesto sa Badminton!

ni Trisha Mae D. Espino

Nasungkit ni Richelyn Cortez ng Greendale Residences Integrated School (GRIS) ang bronze medal sa kagaganap pa lamang na badminton singles (female) ngayong District Meet 2024 (DLC II).

Sa puntos na 22-20 at 21-19 nasiguro ang kaniyang pwesto sa nasabing pampalakasan.

Sa unang salang ng laro ay naging dikit ang laban sa pagitan ng GRIS at Ridgeview Park Integrated School (RVPIS). Nang dahil sa mga errors ng RVPIS ay nabigyan ang GRIS ng pagkakataon na maipanalo ang unang set.

Sa pangalawang salang ng laro ay dikit pa rin ang mga iskor ng magkabilang koponan, 21-19. Lamang ang GRIS dahil sa mga errors pa rin ng RVPIS. Ito ang naging daan para makuha ng GRIS ang ikatlong pwesto sa naturang pampalakasan.

Samantala, bukas, Oktubre 5, 2024, naman gaganapin ang badminton doubles para sa male and female category.

Para sa iba pang artikulo: https://saringsing24.blogspot.com/

Makipag-ugnayan sa amin. Bisitahin ang aming FB Page: https://web.facebook.com/Saringsing24