Photo Credits: Bb. Hanne Gay S. Gerez
Mula kanan: Bb. Gerez, Trisha Mae Espino, Jainaber Lyan Anota, at Tristan Torres.

Quiz Bee, Pinangunahan ng Mag-aaral Mula 7-Sapphire!

ni Trisha Mae D. Espino

Pinangunahan ng mga mag-aaral mula sa Baitang 7-Sapphire ang Leyte Gulf Landing and Liberation Quiz Bee na ginanap kahapon, Oktubre 14, 2024.
Nakamit ni Trisha Mae D. Espino ng 7-Sapphire ang Unang Pwesto sa nasabing patimpalak. Si Jainaber Lyan Anota naman ang nakasungkit ng Ikalawang Pwesto na mula sa Baitang 10-Einstein. Samantala, ang Ikatlong Pwesto ay nakuha ng mag-aaral mula 7-Sapphire pa rin, si Tristan Torres.

Ang Leyte Gulf Landing and Liberation Quiz Bee ay isa sa mga gawain o aktibidad ngayong buwan ng pagdiriwang ng Buwan ng Araling Panlipunan. Ito ay sa pangunguna ng Koordineytor at Guro ng Araling Panlipunan sa JHS na si Bb. Hanne Gay S. Gerez.

Para sa iba pang artikulo: https://saringsing24.blogspot.com/

Makipag-ugnayan sa amin. Bisitahin ang aming FB Page: https://web.facebook.com/Saringsing24