Mga Pambato ng GRIS sa Badminton, Nag-uwi ng Medalya!


ni Trisha Mae D. Espino

Muling namayagpag ang galing ng mga Greendalyan sa larangan ng palakasan. 
 
Ang badminton finals para sa District Meet 2024 ay ginanap ngayong umaga ng Oktubre 5, 2024 sa Tigbao-Diit Central School.

Nasungkit ni Ronald Josh Sampaga ang medalyang pilak (silver) para sa singles B boys category. Samantala, Gintong medalya naman ang naiuwi ni Trisha Mae Espino para sa singles B girls category. 

Dagdag pa nito, medalyang pilak din ang nakamit ni Jame Ivan Quirante para naman sa singles A boys category na ginanap kahapon.

Sa mga naging laro ngayong araw, ang unang bahagi ay GRIS laban sa pambato ng Kapuso Village Integrated School (KVIS) na naging mainit at naging kapana-panabik dahil sa palitan ng bawat pambato ng magkabilang koponan.
 
Sa pangalawang bahagi naman ay naging intense pa rin ang laro. 

Nagtapos sa iskor na 11-21 ang singles B boys categorylamang ang pambato ng KVIS dahil sa mga good smash ng pambato nito dahilan ng pagkatalo ng pambato ng GRIS.

Sa kabilang banda, ang singles B girls naman ay nagtapos sa iskor na 21-8, sang-ayon sa pambato ng GRIS dahil sa mga dropshot at smash na dahilan ng kanilang pagkapanalo.

Ang District Meet 2024 ay magtatapos ngayong araw, Oktubre 5, 2024.

Para sa iba pang artikulo: https://saringsing24.blogspot.com/

Makipag-ugnayan sa amin. Bisitahin ang aming FB Page: https://web.facebook.com/Saringsing24